Guy Tumblr Backgrounds
iamrhein06
Music sets everything..

Music sets everything..

(Source: ringdingdingdong)

EXO-K Sehun

EXO-K Sehun

WHAT A STORY!!

Just found it on the internet and I already liked it. To the author of this story, I salute you.

“Matagal ka pa ba diyan Marco?”

“Saglit na lang ‘to. Minsan lang to mangyayari kaya dapat gwapo ako.”
“Ikaw pa ngayon nagpapahintay sakin.Lagi ka namang gwapo.”
“Patience, Anthony. Syempre dapat gwapo ako for you.”

Nilapitan ako ni Anthony at niyakap. “Ok na nga. Tayo na, naghihintay na sila sa labas.”

Five years ago…

“May ginagawa ka?”Tumawag sakin si Anthony. Mukhang may problema na naman ‘tong lokong ‘to.
“Saan?”
“Dun sa dati.”

High school pa lang, magkaibigan na kami ni Anthony. Classmates kami simula first year. Dati ay marami kami sa barkada pero mula ng pareho kami ng pinasukang school sa college, mas naging close kami. Ngayon ngang second year college students na kami, lalo pa tumibay at mas lumalim pagsasamahan namin. Usually pag tumatawag yan sa disoras ng gabi at gusto makipagkita, may problema yan. Sanay na kong bigla na lang siyang tatawag at mapipilitan naman akong iwan kung anuman ang ginagawa ko at puntahan siya.

“Ano problema?” Pagdating ko sa lugar kung saan kami madalas magkita, nandun na si Anthony, nakasandal sa puno.
“Nakipagbreak siya sa akin,” mahinang tugon ni Anthony.
“Sino?”
“Sino pa ba? Para namang ang dami kong girlfriend. Marco naman eh. Inaasar mo pa ko,” mangiyak-ngiyak na sagot ni Anthony.
Inakbayan ko siya at tinapik ang balikat niya. “Ito naman, pinapatawa lang kita. Ikukwento mo ba?”
“Masyado daw akong maloko. Parang hindi ko daw kaya magbago para sa kanya. Feeling niya hindi ako nag-aaral ng mabuti at walang plano sa buhay.”
“Pinaliwanag mo ba side mo?”
“Para saan pa? Eh ayun na ang tingin niya sa akin. Ang nakakainis lang, nakilala na niya akong ganito tapos ngayon bigla siyang magrereklamo.”
“Pano yan?Hindi ka na makikipagbalikan?”
“Alam mo namang hindi ako nakikipagbalikan kapag alam kong wala naman akong ginagawang masama.”
Hindi na ko sumagot pa at tumabi na lamang sa kanya. Humiga siya sa balikat ko at nagsalita ng marahan. “Mukhang ikaw na naman ang mag-aalaga at magtitiyaga sa ‘kin. Unless hanapan mo agda ako ng bagong girlfriend.” Medyo ngumiti siya habang nagsasalita.
“May choice pa ba ko?”
“Eh kung tayo na lang kaya?” Tumayo si Anthony mula sa pagkakahiga niya sa balikat ko at humarap sa akin.
“Gago ka, sinabi nang wag kang magloloko ng ganyan eh. Papatulan kita.” Naiinis kong sabi sabay palo sa braso niya.
“Joke lang. Hoy ikaw Marco, subukan mo kong iwan, ipagkakalat ko sa campus na bading ka.”
“As if naman hindi pa nila lahat alam. Kulang na nga lang sumali ako ng beauty contest para may proof na bading ako,” natatawa kong sabi.
“Pag sumali ka dun, promise ako escort mo kahit ano mangyari.”
“Natouch naman daw ako dun.Ano malungkot ka pa ba?”
“Syempre naman.Pero ayoko ng magdwell dun. Dito tayo matulog,” sabi ni Anthony sabay higa sa damuhan.
“Baliw ka ba?Gusto mong mamatay tayo sa kagat ng lamok?”
“Syempre prepared ako. May dala akong kumot at Off.”
“Prepared ka nga. Eh hello may pasok ako bukas. Tsaka may tinatapos akong paper kanina nang bigla mo kong pinapunta dito.”
“Sa inyo na lang kaya ako matulog? Wala naman akong pasok bukas eh. Buong araw lang ako hihiga sa kama mo.”
“Bahala ka.”

Sumakay na kami sa kotse ko para bumalik sa bahay. Nag drive-thru muna kami sa Jollibee dahil hindi pa pala siya kumakain ng dinner.
Pagdating namin sa bahay ay pumasok na agad si Anthony sa loob. Nadatnan niya doon si Mama na nanood ng TV. Hinalikan niya si Mama sa pisngi at umupo sa tabi nito at nanood din ng TV. Ganyan na kaclose si Anthony at si Mama. High school pa lang kasi madalas na siya dito sa bahay. Parang anak na ang turing ni Mama kay Anthony.

“Mama, dito daw matutulog si Anthony,” sabi ko kay Mama matapos ko siyang halikan sa pisngi.
“Oh ok sige. Ayusin ko ba yung guest room?”
“Ay hindi na po Tita. Dun na lang ako sa room ni Marco matutulog,” sagot ni Anthony.
“Sige ikaw bahala.”

Umakyat na kami ni Athony sa kwarto ko. Umupo siya sa computer chair ko at binuksan ang laptop ko. Dumiretso naman ako sa closet at kumuha ng pamalit kong damit. Kinuhanan ko na din ng damit si Anthony at ibinato ito sa kanya.
Nagpalit na ko ng damit sa kwarto. Nagpalit na rin ng damit si Anthony. Gwapong gwapo ako dito kay Anthony.Sobrang amo ng mukha nya at ang pupungay ng mata. Medyo payat lang siya pero hindi namna pangit tingnan. Kung hindi ko lang talaga ‘to kaibigan matagal ko na ‘tong pinatulan.

“Anthony may tanong ako sayo? Bakit parang sobrang komportable ka magbihis sa harapan ko eh alam mo namang bading ako?”
“Kasi kaibigan kita. Alam kong wala kang gagawing masama. Tsaka alam ko namang hindi rin ako bibigay sayo,” natatawang sabi ni Anthony.
“Ang yabang mo. Bakit, hindi ba ko gwapo?” naiinis kong tanong.
“Gwapo din naman. Pero ‘di kasing gwapo ko,” natatawa niyang sagot.
“Ewan ko sayo. Umalis ka na nga dyan sa computer chair ko, tatapusin ko na yung paper ko. Dun ka sa kama.”
Umupo ako sa upuan at binuksan ang file na kelangan ko tapusin.
Niyakap ako ni Anthony mula sa likod.
“Uy nagtatampo si Marco ko. Sorry na.”
“Oo na. Dun ka na sa kama. Wag mo ko istorbohin ah. Kelangan ko ‘to matapos ngayong gabi.”
“Opo.”

Humiga sa kama si Anthony at pinatugtog ang MP3 player ko. Puro lang mga kanta ni John Mayer ang nandun.
“Adik ka talaga sa kanya ‘no?” tanong ni Anthony.
“Gusto ko lang talaga mga kanta niya.”
“So manonood ka ng concert niya sa October?”
“Hindi, ang mahal ng ticket eh,” sagot ko.

Alas dos na ng madaling araw ko natapos ang ginagawa ko. Kanina pa nakatulog si Anthony. Nagprint na ko ng paper ko tapos ay pinatay ang laptop. Pinatay ko na rin ang ilaw at tumabi kay Anthony.
Nakatagilid kami pero sa parehong side kami nakaharap. Niyakap ako ni Anthony.
“Good night best friend.”
“Kala ko tulog ka na?” tanong ko.
“Nakatulog na nga ko pero nagising lang.”
“O sige. Good night na.”
Paano ba naman ako hindi magkakagusto dito eh sobrang sweet sa akin. Hindi sya naaalangang yakapin o tumabi sa akin. Sobrang bait pa. Hay mahal ko na ata talaga tong mokong na ‘to. Pero alam ko namang imposible.

Gumising ako ng 6 am para maghanda sa pagpasok. Kumain na ako ng breakfast tapos ay naligo at nagbihis. Mga 7:15 ako umalis pero tulog pa rin si Anthony. Hindi ko na siya ginising dahil alam ko namang madadatnan ko siya pag-uwi ko.

Pagpasok ko ng classroom ay nadatnan kong andun si Sarah, ex-girlfriend ni Anthony.
“Marco nakita mo ba si Anthony?” tanong sa akin ni Sarah.
“Wala siyang pasok ngayon.”
“Alam ko ngang walang pasok kaya nga tinatanong ko kung nakita mo eh,” masungit niyang tugon.
Hindi talaga kami magkasundo nito. Mula pa ng maging sila ni Anthony, bihira ako sumama sa kanila dahil hindi ko talaga gusto ugali niya. Maganda nga siya at matalino pero ang pangit talaga niya umasta. “Hindi,” maikli kong sagot.
Tinext ko si Anthony tungkol dito.

Marco: Huy hinahanap ka ng ex mo.
Anthony: Sino sa kanila?
Marco: Edi yung pinakabago.
Anthony: Ano sabi mo?
Marco: Sabi ko hindi kita nakita
Anthony: Sige. Text ko na lang siya.
Marco: Makikipagbalikan ka?
Anthony: Oo eh. Mahal ko pala talaga siya.
Marco: Ewan ko sayo. Pinuyat mo pa ko kagabi tapos ganyan lang din pala.
Anthony: Sorry na. Nga pala alis na ko maya maya dito sa inyo ah. Makipagkita ako kay
Sarah.
Marco: Ok.

Hindi naging maganda ang takbo ng araw ako dahil sa text na iyon ni Anthony. Medyo nasaktan ako at nagselos. Pakiramdam ko kasi kapag kami ang nag-away, hindi siya gagawa ng paraan para magkaayos kami.

Pag-uwi ko ng bahay ay hindi ko na nadatnan si Anthony tulad nga ng sinabi niya. Binato ko ang gamit ko sa sahig at humiga sa kama. Kinuha ko ang MP3 player ko at pinatugtog ito. Nagulat ako ng may isang kanta roon ni John Mayer pero cover lang. Mukhang walang nagawa si Anthony kanina sa bahay kaya nagrecord ng kanta. Natawa ako dahil wala siya sa tono.

Nagtext ako sa kanya para asarin siya.

MARCO: Hoy Anthony, binaboy mo na naman MP3 player ko. Kuna anu-ano pinaglalalagay mo. Tsaka nabastos si John Mayer sa ginawa mo.

Hindi sumagot si Anthony. Siguro ay magkasama sila ni Sarah kaya ayaw niyang magpaistorbo. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising lang ako ng tinawag na ko ni Mama para maghapunan. Nang tiningnan ko yung phone ko, wala pa ring text si Anthony. Medyo nalungkot ako. Hindi ko alam. Dapat patuwa ako na makikipagbalikan siya dahil mahala naman talaga niya si Sarah, pero di ko maiwasan malungkot dahil may gusto nga ako sa kanya.

Habang kumakain ay may tinanong sa akin si Mama.

“Anak, kailan mo balak sabihin kay Anthony yang nararamdaman mo?”
Nagulat ako sa tanong ni Mama. Alam niyang noon pang high school ako may gusto kay Anthony. “Never na mama.Ayokong masira pagkakaibigan namin. Tsaka alam kong imposible namang ganun din ang nararamdaman niya. Mawawala din tong nararamdaman ko.”
“Ayoko lang naman anak na nakikita kang nasasaktan.”
“Hayaan niyo na Mama. Mawawala din ‘to.”

Kinabukasan, sa school ay nagkasalubong kami ni Anthony.

“Marco sorry hindi ako nakapagreply sa ‘yo kagabi. Kasama ko kasi si Sarah nun.”
“Ok lang. Kamusta na nga pala kayo?”
“Ayun nagkita kami sa isang restaurant. Sinubukan ko siyang kausapin pero may gusto siyang gawin ko na hindi ko kayang gawin,” tugon niya.
“Ano yon?”
“Wala. I guess I just have to move on. Alam mo, honestly, she does not deserve me. And if she cannot accept every aspect of who I am, then she does not deserve my love,” madamdamin niyang sagot.
“Wow ang lalim Anthony, ah. Sana nga makapag move on ka na talaga. Marami pa namang girls na nagkakandarapa sa ‘yo eh,” sagot ko sa kanya.
Hindi na muna ako maghahanap. Kelangan ko muna maglet go kay Sarah. Syempre kahit ganun yun, mahal ko pa rin yun. Teka, san ka punta? Kakain ako sa labas. Itetext pa lang sana kita”
“Sa library, may ireresearch lang. Sunod na lang ako sa’yo, saglit lang naman ako eh.”
“Samahan na lang muna kita. Wala din naman na akong gagawin.”

Tinulungan ako ni Anthony magresearch tungkol sa Communication theory subject ko. Nakaupo kami sa isang table ng lumapit ang isa kong classmate.
“Marco, may nahanap ako tungkol dun sa assignment natin. If you want, ipaphotocopy mo na lang,” sabi niya.
“Sige.Salamat. Siya nga pala, Anne, best friend ko pala si Anthony. Anthony, classmate ko, si Anne.”
Nagshake hands sina Anne at Anthony. Nahalata kong medyo namula si Anne. Mukhang crush niya ang best friend ko.
Tumayo na kami ni Anthony at pumunta sa photocopying area. Nang makuha na namin yung readings namin ay inaya na ako ni Anthony kumain.
“Anne, do you want to join us? Kakain kami ni Marco diyan lang sa labas ng school,” paanyaya ni Anthony kay Anne.
“Uhm, sige next time na lang. May kailangan pa kasi akong gawin eh. Thanks, though,” sagot ni Anne.
“Oh okay. Sige nice meeting you.”
“Nice meeting you too.”

Lumabas na kami ni Anthony at dumiretso sa fishball stand. Favorite snack kasi namin ni Anthony ang fishballs. Simple joys in life kumbaga.
“Anthony, libre ko na to total naman sinamahan mo ko sa library tsaka alam kong broken hearted ka pa,” pang-aasar ko sa kanya.
“Alam mo hindi ako maaasar sayo dahil ililibre mo naman ako,” natatawa niyang sagot.
“Ano naman tingin mo kay Anne?” tanong ko kay Anthony.
“Well, ok lang. Mukhang smart. Pero she’s too simple for my type.”
“Hindi ko naman tinatanong kung type mo siya,” pang-aasar ko.
“Just sayin’.”

Pag-uwi ko ng bahay ay nakatanggap ako ng text mula kay Anne.

ANNE: Marco, hindi ko alam na friend mo pala si Anthony. Naging classmate ko siya before at super crush ko siya. Alam kong hindi niya ako maalala. Wala lang, natuwa lang ako na may common friend kami.
MARCO: Napansin ko nga kanina na namula ko nung pinakilala kita sa kanya. Well, marami talagang nagkakacrush dun. Pero playboy yun. Ingat ka lang. Haha
ANNE: Alam ko namang hindi ako magugustuhan nun. Ikaw ba Marco, wala ka bang gusto kay Anthony? Super close kayo eh. At mukhang hindi siya nahihiyang kasama ka.
MARCO: Ako magkakacrush dun? Alam ko lahat ng baho nun. Magkaibigan na kasi kami since high school kaya sanay na siyang kasama ako.
Ganyan ang buhay namin ni Anthony. Normal kung ikukumpara sa iba. Magkaiba kami ng course kaya wala kaming parehong subjects. Nagkikita lang kami pag free time namin or kapag nagcucut ng classes ang isa samin para tumambay or magsit in sa class ng isa. Unti-unti na ring nakalimutan ni Anthony si Sarah. Mas nagfocus siya sa pag-aaral niya. Ako naman ay ganun din dahil iniingatan ako ang grade average ko para naman magkahonor ako sa graduation.

October na. Buwan na ng birthday ko. Si Anthony naman ay December ang birthday. Hindi namin nakasanayan na magregalo sa isa’t isa. Madalas ay nanlilibre lang kami kasama ng iba pa naming high school friends.
Isang araw habang kumakain kami nina Anthony at Anne sa may fishball stand sa labas ng school ay may inabot sa akin si Anthony.
“Uy Marco, ito nap ala birthday gift ko sa ‘yo. Ang tagal kong pinag-ipunan yan ah,” inabot ni Anthony sa akin ang isang envelope.
“Wow, first time mo magregalo sa akin ah. Mukhang mapipilitan akong bigyan ka din ng regalo sa birthday mo,” sagot ko.
“Aba dapat lang ano.”
“Dali Marco buksan mo na,” pangungulit ni Anne. Medyo madalas na din naming makasama si Anne dahil anging magpartners kami sa final project namin.
Binuksan ko na yung envelop at nagulat ako sa laman. Dalawang VIP tickets sa concert ni John Mayer dito sa Manila. “Oh my god Anthony, pano mo nabili ‘to?Ang mahal nito ah.” Nakatitig lang ako sa ticket habang nagsasalita.
“Siyempre humingi ako ng extra allowance sa parents ko para makaipon. Tsaka binenta ko din yung comics collection ko.”
“Binenta mo yun? Eh diba bata ka pa lang kinokolekta mo na yun?” gulat kong tanong. Adik si Anthony sa Spiderman comics at talaga kinukulit pa niya ang Tita niya sa Amerika para lang padalhan siya ng mga issues nito. Hindi ako makapaniwalang binenta niya yun para lang mabilhan ako ng tickets.”
“Sa pinsan ko lang naman din binenta para sigurado akong maiingatan niya tiyaka at least pwede ko pa ring hiramin every now and then. Alam ko kasing crush na crush mo si John Mayer kaya ko naisipang bilhan ka since minsan lang naman siya magconcert dito.”
Di ko napigilan ang aking sarili at niyakap ko si Anthony sa harap ng maraming tao. “Thank you so much Anthony.”
“Sus, wala yun.Best friend kita eh. Pero teka kapag nagtagal pa tayong magkayakap dito baka isipin nila ikaw na bago kong girlfriend,” natatawa niyang sabi. Si Anne naman ay nakatingin lang sa amin.
Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya at pinalo siya sa braso. “Gago ka.Wala naman yung malisya.”
“Syempre sa ating dalawa wala yung malisya. Pero alam mo naman yung ibang tao, mga tsismosa. Sa gwapo kong ‘to, malamang mabilis kakalat ang balita,” natatawa niyang sabi.
“Sabagay.Pero bakit dalawa?”
“Syempre kasama mo ako. Baka mabore ka kapag ikaw lang mag-isa.”
“Salamat talaga.”

Ilang araw din kaming hindi nagkakasama ni Anthony dahil finals week na. Tinatapos na namin ni Anne ang project naman at marami din akong ginagawang papers samantalang si Anthony naman ay busy sa exams niya.
Araw na ng concert. Sobrang excited ako dahil fan talaga ako ni John Mayer, tapos kasama ko pa si Anthony manood.
Buti na lang at weekend ang concert at wala kaming pasok pareho. Seven p.m. ang start ng concert pero napag-usapan namin dati ni Anthony na magkita na sa mall ng mga 4 p.m. para gumala muna ng kaunti.

Nasa mall na ako kung saan gaganapin ang concert ng tawagan ako ni Anthony.
“Hey Marco.”
“Uy nasan ka na? Andito na ko.”
“I’m sorry pero hindi kita masasamahan tonight. May bigla kasi akong kelangan gawin eh.”
“Ano yan? Matagal na nating naplano ‘to diba?”
“Alam ko. Kaya nga sorry eh. Hindi ko pa pwede sabihin sayo. Nasa akin naman yung ticket ko. Susubukan ko talagang humabol. I’m so sorry Marco.”
“Bahala ko. O sige, good luck sa kung ano man yang gagawin mo. Bye.”
“Bye, Marco. Sorry.”
Sobra akong nalungkot dahil hindi ko makakasama si Anthony sa concert. Ang tagal kong hinintay ang araw na ‘to. Hay.

Pumila na ako ng maaga sa gate ng concert grounds. Ng makaupo na ako ay hindi ko mapigilang malungkot dahil bakante ang katabi kong upuan.
Nagsimula na ang concert. Natuwa ako dahil sa wakas ay nakita ko si John Mayer magperform. Pero syempre mas masaya sana kung kasama ko si Anthony.
Mga 10 p.m. natapos ang concert.Nagpunta ako ng parking area. Ng malapit na ko sa kotse ko ay may nakita akong balloon na nakasabit sa side mirrors ko. Hinanapo ko kung sino gumawa nito. Pagtalikod ko ay nakita ko si Anthony na may hawak na cake.

“I’m sorry hindi ako nakapunta sa concert kanina. Sinubukan kong pumasok pero hindi na ko pinayagan ng guard.”
Hindi ako sumagot at nakatitig lang sa kanya.
“Sorry talaga. Huy sorry na. Ito oh, advanced birthday cake. Blow mo na candle mo.”
Hindi na rin ako nag-inarte. Hinipan ko ang candle at ngumiti sa kanya.
“Ano wish ng best friend ko?” tanong ni Anthony
“Na sana matuto yung bestfriend ko na tumupad sa pangako niya.”
“Sorry na talaga.”
“Ano ba kasi ginawa mo kanina?”
“Hindi ko pa talaga pwede sabihin eh.”
“Kelan ka pa naglihim sakin?”
“Uhm, ngayon lang. Kelangan lang kasi talaga.”
“Sige bahala ko. Uuwi na pala ako.”
“Pwede makisabay? Nagtaxi lang kasi ako kanina. Medyo naubos nap era ko dahil sa cake,” nakangiti niyang sabi.
“O sige sakay.”
Hinatid ko siya sa kanila tapos ay umuwi na ko. Kahit hindi siya nakasama sa concert ay natuwa pa rin ako dahil sa ginawa niya kanina sa parking area.
Kinabukasan ay birthday ko na. Naghanda si mama sa bahay. Pumunta ang ilan naming kamag-anak. Hindi nakarating kahit sino man sa high school friends namin. Medyo nagtampo nga ako sa kanila eh. Si Anthony naman ay dumating kasama si Anne. Nagtaka nga ko dahil taga Manila si Anne tapos taga-Cavite lang din naman si Anthony kagaya ko kaya hindi ko alam kung bakit sila magkasabay.
“Happy birthday Marco!” bati sa akin ni Anne. May dala siyang cake.
“Thank you. Bakit kayo magkasabay ni Anthony?” tanong ko sa kanya.
“Ah kasi sinundi ko siya sa kanila dahil hindi niya alam papunta dito,” sagot no Anthony na parang kabado.
As usual, sobrang komportable si Anthony sa bahay. Tinutulungan niya si Mama sa pag-aasikaso sa bisita namin.
Masaya ang buong araw pero hindi ko maiwasan mapansin na parang mas nagiging close sina Anne at Anthony.

Makalipas ang ilang araw ay mas naging malapit sina Anne at Anthony. Minsan nga ay nakakasalubong ko sila sa school na magkasama. Medyo nagdududa na ko na baka may hindi sila sinasabi sa akin. Minsan at tinanong ko si Anthony tungkol dito pero ang lagi lang niyang sinasabi ay nagpapatulong lang daw siya kay Anne o di kaya ay nagkita lang sila somewhere kaya magkasama sila.

Isang araw, pag-uwi ko ng bahay ay may sinabi sa akin si Mama na talaga namang ikinagulat at ikinalungkot ko.
“Anak, tumawag sa akin ang Daddy mo kanina. Ayos na ang papeles mo papuntang states. Dun ka na sa kanya titira para makapag-aral ka sa Amerika.”
“Huh? Bakit Mama? Ok naman ako dito ah. Ok naman yung college ko. Ayoko pumunta dun.”
“Matagal ka ng gusto makasama ng daddy mo. Pumayag din ako dahil para din naman sa kinabukasan mo.”
“Iniwan niya tayo nung bata pa lang ako. Tapos ngayon makikialam siya sa buhay ko?”
“Anak wag kang ganyan. Magkaayos na kami ng daddy mo. Makakabuti yun para sa future mo.”
“Don’t I have a say on this?”
“I’m so sorry anak pero pareho naming gusto ‘to para sa ‘yo.”
“Mama naman eh.”
Niyakap ako ni Mama dahil nakita niya akong umiiyak.
“Kelan ako aalis?” naiiyak kong tanong.
“Sa December anak.”
“Sa December agad? Hindi ako dito magpaPasko?Ang bilis naman Mama. Hindi ba pwedeng Next year na lang?”
“Para kasi makahabol ka sa second term sa papasukan mong college. Sasama ako sayo para magkakasama tayo magChristmas, pero uuwi din ako dito.”
“Magstay ka na lang din dun Mama.”
“Hindi pwede anak. May bago ng family Daddy mo dun tsaka walang mag-aasikaso sa business natin dito.”
“Hindi ba talaga pwedeng next year na lang? Or better yet, never na lang.”
“Anak, we only want what’s best for you. Tsaka bakit ba ayaw mo dun?Bibisitahin naman kita minsan dun.”
“Syempre iba pa rin dito. Tsaka mamimiss ko mga friends ko.”
“Mamimiss mo ba talaga sila lahat o si Anthony lang?”
“Mama naman eh.”

Nagtext ako kay Anthony tungkol dito. Habang nakahiga sa kama ay tumawag siya.
“Hello Anthony, bakit ka tumawag?” tanong ko.
“Totoo ba yan o niloloko mo lang ako?”
“Totoo yun.”
“Punta ako sa inyo ngayon.”
“Seryoso ka? May pasok tayo bukas ah.”
“Oo. Dadalhin ko na uniform ko. Hintayin mo ko diyan.”

Makalipas ang isang oras ay narinig kong may kausap si Mama sa sala kaya bumaba ako upang tingnan kung sino yun.

“Tita naman eh. Bakit niyo ilalayo si Marco sa akin.”
“Para yun sa future niya.”
“Eh kung isama niyo kaya ako dun. Dun na din ako mag-aaral.”
“Gusto mo ba talaga yan?”
“Mamimiss ko lang po kasi talaga si Marco. As in big time.”
“Dun lang naman siya mag-aaral. Malay mo dito pa rin siya magtrabaho.”

Si Mama, kausap si Anthony. Medyo naiyak ako sa narinig ko. Pinahid ko ang luha ko at bumaba.
“Hoy Anthony, kinukulit mo na naman si Mama.”
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
“Tita, hindi ko ibibigay sa inyo si Marco. Hindi ko siya pakakawalan.”
Natawa si mama sa ginagawa ni Anthony. Ako naman ay halo ang emosyon. Gusto kong umiyak pero ayokong gumawa ng eksena.
“Hoy Anthony nakakatawa ka. Umayos ka nga.Mahiya ka kay Mama.Mamaya palayasin ka nan dito.”
“Pag pinalayas niyo ako dito Tita, isasama ko si Marco.”

Ng tapos nang mag-asaran, pumunta kami sa dining area para magsnack. Nilabas ni Mama ang ginawa niyang cheesecake. Dito na ikinuwento ni Mama kay Anthony kung ano nangyari kaya ako pupunta sa Amerika. Matapos ay umakyat na kami ni Anthony sa kwarto ko.

“So totoo pala talaga yun? Akala ko pinagtitripan niyo lang ako ni Tita.”
“Ayoko din umalis pero mukhang wala naman akong magagawa eh.”
“Wag mo kong kakalimutan dun ah. Bawal ka magkaron ng best friend dun.”
“Ay ang selfish naman niyan,” natatawa kong sabi. “Halika matulog na tayo, maaga pa pasok natin bukas.”
Matapos namin maligo ay humiga na kami.

“Seryoso Marco, wag mo talaga akong makakalimutan,” mahinang sabi ni Anthony.
“Oo naman. Ikaw din, wag mo kong kakalimutan,” tugon ko.
“Promise, ikaw lang ang kaisa-isa kong gay best friend. Pwede akong magkaron ng maraming gay friends, pero never ko sila magiging best friend.”
“So kelangan pinapasok mo talaga yung pagiging gay ko?”
“Oo naman. Alam mo namang never naging issue sa akin yan di ba?” masm ahina niyang sabi. Halata kong malungkot siya.
“Alam ko. Kaya nga nagpapasalamat ako dahil sinuwerte ako sa best friend ko. Gwapo na, mabait pa.” Nakita kong napangiti siya sa sinabi kong yun.
“Since aalis ka nap ala, sasabihin ko na sa ‘yo yung secret ko.”
“It’s about time. Tungkol ba saan yun?” tanong ko.
“Nililigawan ko si Anne.”
Medyo napapansin ko na yun noon pa pero nagulat pa rin ako ng inamin niya sa akin. Medyo may kurot akong naramdaman sa puso ko.
“Kelan pa?”
“Nung araw ng concert ni John Mayer. Kaya hindi agad ako nakapunta, dahil magkasama kami nun ni Anne.”
“Bakit di nyo sinabi agad?”
“Di ko din sigurado. Siguro feeling namin magagalit ka.”
“Bakit?”
“Basta.”
“Hindi ka pa ba niya sinasagot?”
“Hindi pa. Pero alam mo Marco, hindi ko alam na magkakagusto ako sa kanya. Diba dati sabi ko sayo hindi ko siya type? Pero siguro nadevelop ako sa kanya. Simple kasi siya at hindi mahirap pakisamahan.”
“Mahal mo na?”
“Oo naman. Hindi naman ako manliligaw kung alam kong hindi ko pa mahal. Galit ka?”
Hindi agad ako nakasagot.Hindi ako galit pero syempre nasaktan ako.“Bakit naman ako magagalit? Pareho ko naman kayong kaibigan. Sana nga sagutin ak na niya para masaya. O siya matulog na tayo. Good night.”
“Good night best friend.”
Pinipilit kong matulog pero iniisip ko pa rin ang pag-alis ko at ang tungkol kina Anthony at Anne. Di ko mapigilang umiyak.

Nang mga sumunod na araw ay inayos ko na ang papers ko sa school para sa pagtransfer ko. Sina Anne at Anthony naman ay palagi na kong sinasamahan. Sinusulit siguro nila yung mga remaining days ko sa school. Pero madalas din na kami lang ni Anthony ang magkasama. Madalas din na sa bahay na siya natutulog. Naintindihan naman ni Anne. Napansin ko din na mas nagiging sweet sila sa isa’t isa. Nararamdaman ko ng malapit nang maging sila. Masakit man, tinanggap ko na din. Siguro makakatulong ang pag-alis ko para makalimutan ko an nararamdaman ko kay Anthony.

December na. Birthday na ni Anthony. Aalis na rin ako. Ang masakit pa dun, hindi ko na aabutan ang birthday ni Anthony. Nakabook kasi ang flight ko tatlong araw bago ang birthday niya. Sinubukan kong iparebook ang flight ko pero wala ng flight na bukas pa kaya wala na akong nagawa.
“Ngayon ka na ba talaga aalis Marco.”
“Oo. Para namang hindi mo nakita yung ticket ko. Halos itago mo na nga para hindi ako makaalis eh.”
“Hindi ba pwedeng after na lang ng birthday ko?” malungkot na tanong ni Anthony.
“Hindi pwede eh.Sayang yung ticket tsaka wala nang mabook na flight after ng birthday mo. Di bale, binigyan naman kita ng regalo di ba?”
“Hindi naman yung regalo yung habol ko eh.”
“Alam ko,” tugon ko. Niyakap ko na si Anthony.

Narinig ko ng tinatawag yung flight ko. Ito na talaga. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako ng Pilipinas. Maaaring ito na ang huling pagkikita namin ni Anthony.
Niyakap ko ulit si Anthony, “O pano, goodbye na.”
“Mag-ingat ka dun ah.”
“Mag-ingat ka din dito.Alagaan mo si Anne.Mag-aral ka mabuti dito.”
“Oo. Hoy, pag ikaw nagkaboyfriend dun pakilala mo sa akin sa chat tsaka dapat alam ko facebook page niya para mabantayan ko.”
“Asa.Hindi ako magkakaboyfriend dun.Imposible.” Naiiyak na ko. At hindi ko nay un napigilan. Ng Makita yun ni Anthony, pinahid niya ang luha ko.
“Dapat masaya ka, makakakita ka na ng snow. Alam mo namang ikaw lang ang best friend ko. Hindi magbabago yun.”
“Alam ko.”

**********************

“Matagal ka pa ba diyan Marco?”
“Saglit na lang ‘to. Minsan lang to mangyayari kaya dapat gwapo ako.”
“Ikaw pa ngayon nagpapahintay sakin.Lagi ka namang gwapo.”
“Patience, Anthony. Syempre dapat gwapo ako for you.”

Nilapitan ako ni Anthony at niyakap. “Ok na nga. Tayo na, naghihintay na sila sa labas.”

“I now pronounce you man and wife. You may now kiss the bride.”

Makalipas ang limang taon, graduate na ko sa Amerika habang sina Ann at Anthony ay nakagraduate na din. Pagkatapos ng graduation nila ay nagpasya silang magpakasal dahil nabuntis si Anne. Ginusto din naman nila pareho na magpakasal.
Ako? Ito makalipas ang limang taon ay hindi pa rin nagkakaron ng karelasyon. Makalipas ang limang taon, mahal ko pa rin si Anthony. Kaya nga ng tinawagan niya ko at sinabihang kukunin akong best man sa kasal nila, kahit masakit, ay pumayag ako at umuwi ng Pilipinas.
Nakita ko namang masaya na sila kaya wala na kong ibang nagawa kundi ang maging masaya na lang din para sa kanila.

Habang nasa reception ay pinili ko munang mapag-isa sa garden na katabi ng reception area.
“Anong ginagawa mo dito? Nagdadrama ka?” tanong ni Anthony.
“Ah wala, nagandahan lang ako sal ugar. Congratulations. May asawa ka na at magkaka-anak na.”
“Oo nga eh. Sobrang saya ko, pero sana mapanindigan kong buhayin ang pamilya ko.”
“Kaya mo yan. Alam kong maloko ka pero alam ko din namang seryoso ka pagdating sa ganyang bagay.”
Nilapitan ako ni Anthony at inakbayan. “Namiss kita sobra.”
“Namiss din kita.” Tumutulo na ang luha sa mata ko.
Hinawakan ni Anthony ang mga balikat ko at iniharap ako sa kanya. “Hindi ko man masuklian ang pagmamahal mo, Marco, gusto ko malaman mo na minahal kita bilang kaibigan ko. Isa ka sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko.”
“Alam mo?”
“Na ano?Na mahal mo ako?Oo.Noon pa.Hindi mo man sabihin, nararamdaman ko naman at nakikita ko sa mga galaw mo.”
“Bakit wala kang sinabi tungkol dun?”
“May dapat bang sabihin? Hindi ko naman madidiktahan ang puso mo at hindi naman kita matuturuan sa kung ano dapat ang maramdaman mo.”
“Anthony, hanggang ngayon, mahal kita,” umiiyak kong sabi.
“Alam ko,” tugon niya sabay yakap. “Alam ko.”

Darating din siya. Alam kong darating din ang taong mamahalin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi man nasuklian ni Anthony ang pagmamahal ko sa kanya, alam kong minahal niya ko sa abot ng makakaya niya. Hindi man ako ang kasama niya habang buhay, alam kong may puwang ako sa puso niya. At habang hindi ko pa nakikita ang lalaking para sa akin, nandito lang ako, magmamahal sa kanya; bilang isang taong malalapitan niya tuwing may problema siya; isang taong magpapasaya sa kanya; isang taong magiging best friend niya.

 

His eyes,
His lips,
His personality,
Everything about him! KLE..

His eyes,

His lips,

His personality,

Everything about him! KLE..